Sanay na si Deo mamuhay mag-isa. Bilang seaman ang kaniyang ama, palagi itong nasa laot, at wala na rin ang kaniyang ina. Kaya naman, solong-solo niya ang malaking bahay nila at ang lahat ng perang pinadadala sa kaniya─perang ginagamit niya sa mga bisyo at pambababae lingid sa kaalaman ng kaniyang ama. Ngunit nagsimulang magbago ang lahat nang manuluyan si Jonas sa iisang bubong kasama niya. Kaibigan ito ng kaniyang ama sa barko. Kaya lang, sa hindi maipaliwanag, tila hindi sila magkasundo. Sa loob ng apat na buwan, kailangan niyang pakisamahan si Jonas o ibubunyag nito ang lihim niya. Sa bawat araw na magkasama sila, matutuklasan ni Deo na maging si Jonas ay mayroon ding itinatagong sikreto... sikreto na maaaring maglapit sa kanilang dalawa o tuluyang maglayo.