mga tanong na maaari mong maging gabay tungo sa pag-lulunas ng iyong sarili, pag-usad, pahinga at iba pa. ako si winter adrenaline, magbibigay sa iyo ng isang libro na kung saan ay maaari mo itong maging tahanan. maligayang pagbati mula kay binibining winter. pag-usad ba ang iyong hanap? o hindi kaya, kapayapaan sa iyong utak? maaari mo lamang itong buksan nang sa gayon ay matulungan kitang mapawi ang iyong pagod at sakit na nararamdaman. oo, hindi ako doktor, ngunit kaya kong gamutin ang napunit mong damdamin, aaminin ko, baguhan pa lamang ako, ngunit kaya kitang pasayahin gamit ang mga piyesa ko. sana sa pagsasara nitong libro ay may natutuhan kang bago.