Katulad ng alon na paulit-ulit na tumatama sa dalampasigan, ay ganoon din ang buhay na mayroon ang magkasintahan. Isang walang-katapusan na pagkakamali, pagsasakitan, pag-hihiwalayan at pagkakabalikan, ay paulit-ulit na nangyayari sa dalawa. Nadala at nabulag sila sa pag-ibig, kung kaya'y sa kabila ng sakit na naranasan at pang-hihinayang sa relasyong naputol, ay ipinilit nilang sumubok ulit, baka sakaling maayos pa ang lahat. Ngunit, ito nga ba ay pag subok lamang na kanilang hinaharap sa buhay bago nila makamit ang kaligayahan? O ito na nga ba ang isang senyales na hindi talaga sila ang para sa isa't-isa, kung kaya't nakakaranas sila ng paghihirap? Makakahanap paba kaya sila ng paraan para makatakas sa siklo ng paghihirap at makamit ang tunay na pagmamahal o sumuko na lang sa laban?