"Babalik ako! Tandaan niyo yan! Ibabalik ko ang lahat ng sakit at pagdurusa na binigay niyo saakin!" sumigaw ako sa kanila at tumakbo palayo. Hindi nila alam na ako ay isang Pureblood Princess. Ako ang pinakamalakas na pureblood. Nagpanggap ako noon na isang nerd dahil sa kaligtasan ko. Pero hindi ko inaasahan ang nangyari noon. Pinapahirapan nila ako at sinasaktan at ngayon ibabalik ko ang lahat na iyon ...