"Masakit na ang mga paa ko. Hay..." May narinig si Jhunnica na munting ingay at ilang sandali ay naramdaman na niya ang pagluwag ng kanyang paghinga. "Ay, ano ba iyan?" Bumigay na pala ang butones ng suot niyang palda dahil sa naghuhumiyaw niyang tiyan. She bent over to picked up her wayward button when she heard a loud screeching sound. "Jhunnica Serrano," sambit nito. His deep voice has a tinged of sarcasm in it. "Hindi mo na ako natatandaan? You're really bad for my ego. Muntik na nga akong maaksidente nang dahil sa iyo, hindi mo pa ako matandaan." Pag-alis nito ay saka lang niya naalala kung saan niya naamoy ang pabango nito. It was from the boy who always followed her around back in highschool. "Eneru Villasis?" Nakanganga na lang siya nang sundan ng tingin ang papalayong sasakyan. "Ikaw na iyan?" Anak ng teteng! Ano ba ang pinagkaabalahan niya noong highschool sila at hindi niya pinansin ang napakaguwapong nilalang na iyon noon?