Hindi ko alam kung paano at kung bakit ba nangyari to. Ang alam ko lang napagod ako. Nagsawa. Naisip ko na tama din to dahil paulit ulit na lang naman ako nasasaktan. Sa pagbitaw ko at sa tuluyan kong paglimot sa kanya, mas may maganda pa palang kalabasan. Pero paano nalang kung sa paglipas ng panahon, ang lalaking inintindi at minahal mo ng lubos noon at sa huli ay binatawan mo din ay ang sya namang maghabol sayo? Magkakaron pa ba ng second chance if you fell out of love already?