Maraming nagagawa ang love sa isang tao. May maganda at hindi magandang effect ito sa natatamaan. May nababaliw na kahit mali na ay tuloy pa rin. May mabuti na handang magparaya. May patience na willing maghintay na sila ay balikan o mahalin na rin ng kanilang minamahal. May forgiving na handang magpatawad para mabalik sa dating saya bago ang hindi pagkakaunawaan. May saya na nakakawala ng lungkot kahit na may problema. Hay ang love nga naman. Sobrang dami ang nagagawa na ang hirap isa-isahin. Pag-ibig talaga.