Sa isang barrio sa Cavite nakatira ang isang dalagang mula sa may-kayang pamilya, siya si Hershey Mae Mendoza 19 na taong gulang. Nag aaral siya sa De La Salle University-Dasmariñas bilang estudyante ng Marketing. Meron siyang ex na isang sikat na Leader ng Bandang Boy Next Door. Siya si Justine Fortalejo ang lead vocalist ng sikat na banda. Nag aaral rin ito sa iisang school kung saan nag aaral ang dalaga. Isa itong estudyante sa HRM at malapit ng magtapos sa kolehiyo. Nakilala niya ito dahil sa Cyberworld. Naging magbestfriend sila hanggang sa madevelop sa isa't isa. Kalaunan ay naging sila. Kaya lang habang tumatagal nagkakalabuan sila dahil may pagkaplayboy ang lalaki. Nagduda at Nagselos si Hershey sa mga nakakausap ni Justine. Hanggang sa biglaan nalang makipaghiwalay sakanya si Justine pagkalipas ng isang monthsary nila. Hindi iyon matanggap ng dalaga idagdag pa ang Selective Amnesia nito. Sa sobrang sama ng loob niya sa paghihiwalay nila ay umatake ang sakit niyang Selective Amnesia kung saan nakakalimot siya sa mga nangyayari, at memories na nagawa niya kasama ang mga taong kakilala at mahalaga sakanya gaya nalang ni Justine. Akala niya ay ayos na ang lahat dahil nakatulong rin ang Selective Amnesia niya kahit papaano para makalimot sa sakit na dulot ng hiwalayan nila. Pero muling nagparamdam ang dating kasintahan, hindi pa rin pala ito nakakalimot sa pagmamahalan nila at gusto nitong maging silang muli. Naghabol sakanya si Justine pero ayaw na niyang bumalik at pagbigyan ito. Hindi sumuko si Justine hanggang sa makuha niya ulit ang dalaga. Kung kelan ayos na sila at nagsisimula ng maging masaya saka naman naaksidente ang dalaga. Nabangga ito ng kotse ni Alex Martin Guerrero, isang tagapagmana ng kompanya at dinala siya sa Isabela. Tuluyang nakalimot si Hershey at nagsinungaling naman sakanya si Alex sa tunay niyang katauhan. Pinaniwala niya ang dalaga sa kasinungalingan at nagpanggap na matagal ng kasintahan nito.