Kabanata 2

2.7K 30 0
                                    

Hopeless

Banas na banas ako rito sa Terminal ng Bus at Jeep. Omygad. Why the hell I am staying here to wait?

Oo nga may car ako .. Pero tinamad akong dalhin sa Probinsya namin. Heler. Ayokong yun naman ang ibenta ng kuya kong tukmol.

May narealize tuloy ako dahil magdadalwang oras na ko ritong nakatayo.

Ang Pag ibig pala parang paghihintay lang ng sasakyan.

Sa sobrang tagal mo sa paghihintay napapagod kana at nangangalay.

Pero kahit ano pa man ang dahilan wala kang ibang choice kundi maghintay kung talagang mahalaga sayo.

Pero mahirap yung todo effort ka sa paghihintay tapos wala ka na palang hinihintay.

Ilang beses akong napapasinghap at napapabuntong hininga dahil nakakasawang maghintay.
Oh c'mon. Ang bagal. Ang init init pa.

Naupo muna ako sa gilid habang naghihintay. Kailangan kong maupo kung ayaw kong mangalay.

Kung kelan naman nakaupo na ko saka dumating ang BUS papuntang Alfonso.

Kaya ang nangyari. Dali dali akong tumayo at tumakbo papuntang pinto ng Aircon bus para sumakay. Ang dami kong kasabay. Kaya siksikan na pero siyempre Aircon Bus yun hindi gasino ang tao sa loob kaya madali akong nakaupo sa may malapit sa bintana.

Bakit kaya sa tuwing uuwi ako? Palagi nalang walang natabi sakin. Psh.

Muka ba kong may nakakahawang sakit?

Pinilig ko ang ulo ko sa may bintana at tinanaw ang mga bahay at gusaling dinadaanan.

Nagstop over ang bus sa may Robinson Dasma. Ganon parin. Maraming nag aabang.

Pumikit muna ako saglit ng may lalaking umupo sa tabi ko. I look at him. Pero di ako nabigla. Kahit na sobrang gwapo nito.

May singkit or katamtamang itim na mata. Matangos ang ilong. Maputi may maliit na dimples at sobrang kinis ng muka. Matangkad rin siya at mukang Kpoppers.

Nakasuot siya ng fitted jeans na pinartneran ng pulang shirt na ang tatak ay Fumah.

Iiwas na sana ako ng tingin nung mapansin niyang tinititigan ko siya.

He's handsome, hot and sexy. Pamatay ang titig at ngiti niya. Yun nga lang may pagkasuplado. Bitbit niya pa yung gitara niya.

Pinasadahan ko pa siya ng tingin ulit bago bumaling sa may bintana.

Maraming nasakay kaya di maiiwasang di mapuno. Kaya ang ending napapasiksik siya sakin habang nakangisi.

Sinisiksik kasi kami ng mga taong kasasakay lang.

"Padaanan niyo po ang iba para magkasya. Konting usog lang po."sabi ng konduktor. Napasinghap ako dahil halos di na ko makahinga sa sobrang lapit namin sa isa't isa.

Gustong gusto ko ng magreklamo kaso nakakahiya naman..

Panay ang reklamo ng iba. Napapaismid nalang ako. Kasi ang hirap. Tapos pakiramdam ko yung manly scent niya nakapit na ang amoy sakin. Omygosh. Ambango. Parang nakakabaliw ang amoy niya. Napapailing nalang ako.

"Uh? You okay?"napatingin ako sakanya nung nagsalita siya .. Nagnod lang ako. I used to be cold at all times.  Kesa maging friendly. Sa Facebook lang talaga ko maingay at palakaibigan.

Love And Lost MemoriesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon