Isang bagong yugto ng kanyang buhay ang ngayo'y nasa harap ni Abbey. Wala na siya sa kanyang dating paaralan at bilang magiging isang 4th year high school, isang taon na lang at lalapag na siya sa kolehiyo. Maraming mga katanungan ang nasa kanyang isip ngayon. Ngunit, alam niyang kahit ganun pa man, alam niyang magiging magpapatatag lamang ito sa kanya.