Episode 1: Dear Diary

2 0 0
                                    

"Hoy, gumising ka nga" sabi ni Diane sa kaklase

"Hah" sabi ni Abbey.

"Natutulog ka na naman!"

"Pasensya na."

Muling yumuko si Abbey habang nakaupo sa mesang nasa harap niya ngayon.

"Hoy!" muling tawag ni Diane sa kaibigan.

Hindi pa rin umiimik si Abbey at sa halip ay nagpatuloy pa ito sa pagtulog.

"Miss Abegail" tawag ng guro sa kanya.

Sa puntong ito ay narinig niya ang isang kahoy na ruler na inihampas sa gilid ng kanyang mesa. Dahil dito'y napaupo siya ng diretso habang mula't na mulat sa kanyang paligid.

"Yes, maam!" sabi ni Abbey

"I don't want anyone to sleep in my class. That's rule no. 1. You know that."

:"Yes, maam"

Bumalik ang guro na si Miss Cynthia sa harap ng blackboard at nagpatuloy sa kanilang diskusyon sa klase. Hindi maiwasan ni Abbey na mahiya dahil sa nangyari. Lahat ng mga mata sa klase ay nasa sa kanya ngayon.

"Ano ba kasing ginawa mo kagabi na tila wala kang enerhiya ngayon?"

"Wala eto. Huwag mo kong alalahanin."

Nakinig na lamang si Abbey sa klase at tila hindi naging maganda ang simula ng kanyang araw ngayon. 

Lumipas ang oras at ngayo'y nasa bahay na siya. Mabuti naman at maaga siyang nakauwi ngayon.

"Mano po, Pa" sabi ni Abbey sa kanyang ama habang hawak ang kamay nito.

"Mabuti naman at nakauwi ka ng maaga ngayon."

"Kaya nga po. Wala po kasi masyadong trapik ngayon."

Pagkatapo nito'y dumiretso siya sa kanyang kwarto upang makapagpahinga.


Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: May 28, 2016 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Winter AffectionsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon