Change is inevitable at akma iyan sa mga nangyari kay Dominique Leonor o mas kilala sa tawag na Nikki. Mula sa mga masalimuot na nangyari dito, ay tuluyan na din itong binago ng panahon. Ang dating simple at masayahing nilalang, ngayon ay nababalot na lang ng karangyaan, kasakiman at galit. Tuluyan na din itong nawalan ng tiwala sa lahat at tanging ang sarili lang niya ang kanyang pinakikinggan. Sa pagdating ng panahon na kanyang inaasam, kayanin niya kaya ang kanyang sarili na mag-palamon sa poot sa mga tao sa kanyang nakaraan? Handa ba siyang saktan ang mga taong minsan siyang hinusgahan, subalit magpasa hanggang ngayon ay patuloy na nagmamalasakit sa kanya? Paano niya haharapin ang taong labis niyang minahal na ngayon ay nasa piling na ng taong labis niyang pinagkatiwalaan? At paano pa siya mababago ng pag-ibig kung tuluyan niya na itong kinalimutan?