'Ang sarap alalahanin yung nakaraan.. Nakaraang bata ka pa at wala pang muwang, Ibig lang ay maglaro ng walang anumang hadlang.. Gusto lamang ay saya na para bang wala ng bukas pa.. Umiyak man dahil nasugatan tuloy pa rin ang pagiging bata.. Maging marumi man ang kasuota'y ayos lang.. Ang sarap manging bata na parang kailan lang.. Ngayo'y may sarili ka ng isip para bang gusto mong maging bata na lang.. Sapagkat ngayon ay puro pagsubok imbis na laro.. Noo'y iiyak lamang sandali.. Ngayo'y matagal maghilom ang sakit.. Nakukuha mo man lahat ngayo'y hindi ka pa rin masaya.. Kay sarap pa lang maging bata talaga.. Sa ngayon lahat ay alaala na lang .. Gustuhin mo mang ibalik sa umpisa para magawa mo yung mga bagay na sana'y nagawa mo pa.. Pero ganun talaga ang bata'y TUMATANDA na.."😢