Walang kwentang magaling na magtago porket di mo na ako kailangan sa buhay mo. Pagkatapos tulungan eh, o kaya baka wala namang silbi yung naitulong kasi nagsawa na? Di naman sa nanunumbat pero akala ko ba kaibigan, tapos ngayon ganyan. Walang rason rason dito. Nang-iiwan sa ere eh. Pagkatapos magpakasay kasama ako, ngayon, ano? Wala na diba. Ibang klase rin, nakuha pang magsinungaling akala mo naman di malalaman. Siguro wala naman talagang pakialam sa naging samahan kasi umaakto na parang wala na eh. Edi wala kung wala. Pero wag mo sanang kalimutan na minsan ay ini-angat kita sa mga taong pilit na naglulugmok sayo pababa. Salamat din sayo.