Grabe, hinanap talaga kita dito, Authornim. Hindi ko akalain na aabot ako sa point na gugustuhin kitang hanapin mismo just to say this. Yung book mo kasi, honestly, sobrang special sa'kin. Ikaw yung kauna-unahang author na binilan ko ng libro sa bookstore. As in unang-una talaga. Kaya sobrang memorable niya para sa'kin.
I recently re-read The Angel's Vengeance. Nabasa ko na siya before, pero iba pala talaga kapag binalikan mo ulit yung isang libro na minsan nang tumama sa'yo. Mas ramdam ko na ngayon yung emotions, yung pain, yung strength ng characters. Parang mas naiintindihan ko na siya ngayon, maybe because marami na rin akong pinagdaanan sa buhay.
Habang binabasa ko ulit, narealize ko kung gaano kalaki yung impact ng writing mo sa'kin. Hindi lang siya basta story parang may parte ng sarili ko na nakita ko doon. Thank you for writing something so powerful and meaningful. Dahil sa'yo, mas lalo akong na-inspire magbasa at magmahal ng stories.
Fan mo na talaga ako. At proud ako na yung unang librong binili ko ever, gawa mo. ✨