14trizia

Kung sakali mang may iba ka nang gusto, 
          	Maaari bang sabihan mo ako? 
          	Wag kang maglilihim, 
          	wag kang magtatago. 
          	Sabihan mo ako, 
          	dahil hindi naman kita pahihirapan 
          	o pipilitin na wag lumayo. 
          	Kung sakali mang hindi ka na masaya sa akin, 
          	buong puso kitang palalayain. 
          	Ayaw kong mahuli kang may kasamang iba, 
          	ayaw kong mahuli kang may pinagpupuyatan nang iba,
          	higit sa lahat, 
          	ayaw kong malaman na may sinisikreto ka nang iba. 
          	Mas masakit lang kung kusa kong mapapansin na hindi na ako. 
          	Ayaw ko nang dumaan pa 
          	sa proseso na kasama 
          	ang mga pagbabago. 
          	Ayaw kong maramdaman ang unti unti mong pagbawi sa mga binigay mong pangako. 
          	Kung sasaktan mo ako, 
          	wag mo nang daanin sa dahan dahang pagsuko.
          	Kung sa sabay nating paglalakbay ay nanaisin mo nang lumihis, 
          	pakiusap mahal, tumakbo ka na paalis.
          	

Provokersss

Salamat sa boto, kaibigan. :)))

14trizia

@Provokersss -- hala grabe ka.  Share mo nga sakin nang mabasa ko rin at makapag praktis nang salitang malalalim...
الرد

Provokersss

@14trizia ipag-paumanhin mo ang aking pagiging malalim. :D
            
            Dala lang ito ng madalas na pagbabasa ng mga kwentong may matatalinhagang salita. Ahahaha! :)))
الرد

14trizia

@Provokersss -- grabiti na ito .. hahaha pag husayan mo lang kaibigan.. (hahaha di ko keri gayahin ang malalim mong wika..)
الرد

14trizia

Kung sakali mang may iba ka nang gusto, 
          Maaari bang sabihan mo ako? 
          Wag kang maglilihim, 
          wag kang magtatago. 
          Sabihan mo ako, 
          dahil hindi naman kita pahihirapan 
          o pipilitin na wag lumayo. 
          Kung sakali mang hindi ka na masaya sa akin, 
          buong puso kitang palalayain. 
          Ayaw kong mahuli kang may kasamang iba, 
          ayaw kong mahuli kang may pinagpupuyatan nang iba,
          higit sa lahat, 
          ayaw kong malaman na may sinisikreto ka nang iba. 
          Mas masakit lang kung kusa kong mapapansin na hindi na ako. 
          Ayaw ko nang dumaan pa 
          sa proseso na kasama 
          ang mga pagbabago. 
          Ayaw kong maramdaman ang unti unti mong pagbawi sa mga binigay mong pangako. 
          Kung sasaktan mo ako, 
          wag mo nang daanin sa dahan dahang pagsuko.
          Kung sa sabay nating paglalakbay ay nanaisin mo nang lumihis, 
          pakiusap mahal, tumakbo ka na paalis.