47955reader

Charot lang poooooooo!!!! Hindi po yan ang story na isusulat ko. hehehe. sorry na scam ko po kayo. PEROOOOOO, may kwento naman po talaga akong isusulat at ipopost yun nga lang, hindi yung synopsis na pinost ko nung nakaraang araw. hehehe. Abangan niyo na lang po!!!

47955reader

Charot lang poooooooo!!!! Hindi po yan ang story na isusulat ko. hehehe. sorry na scam ko po kayo. PEROOOOOO, may kwento naman po talaga akong isusulat at ipopost yun nga lang, hindi yung synopsis na pinost ko nung nakaraang araw. hehehe. Abangan niyo na lang po!!!

47955reader

   CHARANNNNN!!!! Ito na ang synopsis ng bago kong kwento!!! One of these days, ipopost ko na po ang prologue. Sana tangkilikin niyo po ito!      
          
                   Margaret Celestino. Sa unang dinig, aakalain mong siya'y ipinanganak at namuhay sa sinaunang panahon. Ngunit, taliwas sa inyong iniisip, siya ay isang modernong college sophomore na adik na adik sa kasaysayan. Halos maubos na nga niya ang mga aklat sa national library sa kakabasa at kakasinghot. Siya'y may payak na pamumuhay sa kasalukuyang panahon ngunit maniniwala ka bang naranasan na niyang bumalik sa nakaraan? Oo, sa panahon pa ng mga Kastila. 
          
                   Namuhay siya roon bilang isa sa kanyang mga ninuno. Hindi maipagkakaila na sila nga'y nagmula sa iisang angkan sapagkat sila'y magkamukhang-magkamukha. Ang tinutukoy ko ay si Margarita Villafranca, ikalawang anak ng Familia Villafranca at nakababatang kapatid ng kanyang lola sa kalingkingan na si Trinidad Villafranca. 
          
                   Upang maisakatuparan niya ang kanyang misyon at makabalik sa panahon na kanyang pinanggalingan, kailangan niyang mabago ang masalimuot na pag-iibigan nina Margarita at Emilio. 
          
                  Ngunit sa hindi inaasahang mga pangyayari, ang babaeng nagmula sa 2019 na puro pagbabasa at pagmumukmok sa kwarto lamang ang alam ay mahuhulog sa lalaking nagmula sa 1889 na maginoo, may magandang asal at may paninindigan.
          
                  Sana'y paunlakan ninyo ang imbitasyon ko sa inyo upang samahan si Margaret sa kanyang makulit, mapusok at nakakabaliw na adventures sa sinaunang panahon. 
          
                  Ating saksihan ang muling pagsusulat ng kwento ng dalawang taong pilit ipinaglalayo ng tadhana sa isa't-isa ngunit napaglalapit pa rin, kahit papaano.