Ako lang ba?
Parang kahit nagsulat naman ako ng kwento para sa sarili kong satisfaction, yung tipong “I don't care kung may magbasa, gusto ko lang 'tong isulat,” pero kapag binalikan ko na at binabasa ko ulit...
“Ha? Ito? Ako nagsulat nito?”
Noong sinusulat ko, ang ganda-ganda niya sa utak ko. Buo yung eksena, ramdam ko yung emotions, excited ako sa bawat chapter.
Pero kapag natapos na tapos binasa ko ulit, biglang parang...
“Parang hindi naman pala ganoon kaganda?”
“Ang weird ng dialogue.”
“Bakit ko ba isinulat 'to?”
“Pwede ko pa 'tong ayusin.”
Tapos minsan hindi ko na alam kung pangit talaga yung kwento o sobrang pamilyar lang ako sa sarili kong sinulat.
Kaya siguro may mga writer talagang nahihirapang basahin ulit yung sarili nilang gawa. Habang tayo yung nagsusulat, alam natin lahat ng nasa likod ng bawat eksena—kung saan tayo nag-struggle, kung ano yung original na nasa isip natin, at kung ano yung gusto nating iparating.
Kaya minsan, mas madali pang mahalin ang kwento ng ibang tao kaysa sa sarili nating gawa.
Anyway, baka kailangan ko lang talaga ng distance bago ko ulit basahin. Or baka kailangan ko lang tanggapin na...
hindi lahat ng sinulat ko ay masterpiece. Minsan, gusto ko lang talaga siyang isulat.