RGFilipina

Undiscovered pero worth it stories ba ang hanap mo? Try this one. Here’s the description:
          
          Lahat ng pangit na ugali na maiisip ng sinuman sa isang tao ay nasa katauhan na ni Carina Manuel Conception. Ang tanging maganda lang sa kanya ay ang panlabas na kaanyuan, katanyagan, at karangyaan na natatamasa niya. Hindi lang basta-bastang karangyaan ang mayroon siya dahil siya rin ang nag-iisang anak ng gobernador ng lalawigan ng Elena na si Gobernador Carlos Conception at ng asawa nito na si Celeste Conception.
          
          Halos lahat ng naisin at pangarap ni Carina ay mabilis niyang nakukuha maliban sa isa: ang kalayaan. Dahil anak ng gobernador, hindi niya nagagawa ang mga bagay na nagagawa ng isang simpleng mamamayan. Kailangan pa niya itong paghirapan para lang makamit ang kalayaan na pinapangarap.
          
          Kagaya niya, mayroon ring kalayaan na gustong makamit si Lieutenant Colonel Jose Alejos. Siya ay isang magiting na sundalo na handang ibuwis ang buhay matupad lang ang kalayaan para sa bansa at sa mga taong minamahal.
          
          Magkaibang mundo ang kanilang ginagalawan at magkaiba rin kung paano lumaban pero iisa ang gustong makuha: ang kalayaan. Paano kung sa kanilang pagkamit ng mga pangarap ay iba ang makamit nila?
          
          Is it possible for a cold-hearted girl falls in love with the knight in dirty combat shoes?
          
          https://my.w.tt/iZxkpmDZlP