Isa sa pinakamagandang website na aking natuklasan ay ang Wattpad, isang site kung saan maaaring maglagay ng kwentong iyong isinusulat at magbasa ng akda ng iba (mayroon itong tagline na “read what you like, share what you write”). Sa tatlong taong ‘pamamalagi’ ko rito, naging malaking parte na ito ng aking buhay dahil bagaman naglalagay ako ng mga kwento tungkol sa iba’t-ibang genre, sinasalamin nito ang aking pamumuhay, pati na rin ang aking buhay mismo.


Sa scrapbook na ito, mayroong isang ‘libro’ na aking ipinaskil. Naglalaman ito ng maraming kabanata, kung saan sa bawat isa ay maikekwento ang maikling pangkalahatang-ideya sa bawat pangkat ng kaganapan patungkol sa akin. Tulad ng ‘media’ na nasa Wattpad, kalakip ng ilang parapo ang mga litrato na nagbibigay-buhay sa bawat pagsasalaysay.
  • JoinedJanuary 14, 2014




Story by Aileen Ivy Bautista