Hi,guuuuyysss!! Kumusta kayo? Sorry kung ngayon lang ulit ako nagparamdam sa inyo HUHUHUU Nasalanta po kasi kami ng Typhoon Ulysses. Bumaha po rito sa amin at umabot hanggang 2nd floor ang tubig dahil nasa mababa po kaming lugar. Dahil nangungupahan lang kami sa isang apartment at nasa pinakababa po kami, nabasa po lahat ng gamit namin at wala kaming naisalba. Kaya ngayon po, baka ilang araw akong 'di makapag-update dahil marami kaming kailangang linisin at labahang mga damit. Sana naiintindihan po ninyo ako. Sa mga nasalanta rin po ng bagyo, sana po maayos na po kayo. Laban lang po tayo at palagi lang pong manalig at magtiwala sa DIYOS dahil hinding-hindi Niya tayo pababayaan. Kapit lang,malalagpasan din natin 'tong mga pagsubok na binibigay sa atin ng Panginoon. KAYA NATIN 'TO! LAGING TATANDAAN, WALANG PAGSUBOK NA BINIBIGAY ANG DIYOS NA HINDI NATIN KAKAYANIN. MAKAKABANGON DIN TAYONG LAHAT!