Ako si Alexis. 7teen years old. Galing ako sa pinutol na ari ni Cronus. (Charot.)
Mahilig akong mag-isip ng mga bagay na hindi naman dapat talaga isipin.
Kung bakit ba pinapagalitan tayo ng mga magulang natin kapag hindi tayo sumasagot sa tanong nila. Tapos kapag sumagot tayo, papagalitan rin tayo.
Kung kaya pa rin ba natin umiyak sa ilalim ng tubig.
Kung ano bang apelyido ni Satanas.
Kung bakit tinawag na "new" and "improved" e, bago nga lang. Anong iimprove mo sa bago?
Bakit walang balbas si Tarzan e nasa jungle nga siya? Barbero ba mga kasama niyang unggoy?
Mahilig rin akong mag-isip tungkol sa pag-ibig na wala naman talagang matinong sagot o maayos. Nasa saating sariling perspective kung paano natin itatranslate sa sariling lengwahe ng ating puso ang mga bawat katanungan at bawat sagot ng mga tao.
Bakit mo ibibigay kung sa huli e, sasayangin rin pala?
Mamahalin mo e sa huli, alam mo naman na masasaktan ka?
Ang higpit ng hawak mo pero bibitawan ka lang pala.
Ang katumbas ng pag-iyak mo e, pag ngiti niya sa tuwing kasama niya ang bago niyang minamahal.
Binigay mo ang lahat pero kulang.
Sa love kasi, para sakin ah. Walang bastusan dito! =)) Hindi ako naniniwala sa give and take. Naniniwala ako sa give ng give kahit wala ka ng matanggap. Because giving without asking for something in return is the true essence of LOVE. Nagmamahal ka dahil gusto mo. Dahil nararamdaman mo. Hindi ka pinilit ng ibang tao para maramdaman ito. Sarili mo yan. Asking for love in return is foolishness. So parang.. "Mahal kita. Kaya mahalin mo rin ako." Bakit ang Diyos ba, humihingi ng pagmamahal niyo dahil minahal ka niya?
Hindi ganon mga friend! Hindi ganon! :) Walang simpleng sagot sa pag-ibig. Magiging simple yan pag nasagot ng sarili mo yan. :)
Love lots. ♥
- JoinedNovember 5, 2011
- facebook: Alexis's Facebook profile
Sign up to join the largest storytelling community
or
AlexisMoraledj
Apr 23, 2014 04:08PM
http://www.wattpad.com/story/15242742-skinny-love <- Basahin niyo po. Maganda. :") Gawa ni Pinsan. @GinoPardalesView all Conversations