Request to post this poem from Hugot Snap to Random Poems
Naisipan ko na munang maghintay.
Sa ilalim ng walang kasiguruhan.
Sa harap ng sinasabi nilang katotohanan.
Sa tabi ng lumbay at kalungkutan.
Ang nag-aagawang dilim at liwanag.
Ang lamig.
Ang pag-aabang.
Ang mga poste.
Ang mga pader na may tanda ng mga jejemong sumpaan.
M4H4l daw nila ang isa't isa at w4L4 na daw Iw4N4n.
Gusto ko din sanang sumugal.
Kahit nakatadhana ako dito.
Ibubuwis ang naipong lakas.
Masubukan lang kung ikaw nga at ako.
San nga ba ako dadalhin ng paghigintay?
Sa bigo?
Sa maloko?
Sa hindi seryoso?
Sa di sigurado.
Baka oras na din para umalis.
Lumayo.
O umasa pa rin sa kasabihang "may darating pa."
Ewan ko.
Siguro nga wag muna.
—Elijah Joshua
Ignore User
Both you and this user will be prevented from:
Messaging each other
Commenting on each other's stories
Dedicating stories to each other
Following and tagging each other
Note: You will still be able to view each other's stories.