Sa di inaasahang pagkakataon, dito rin ay may bahagyang pag ulan. Bawat patak, ako ay patuloy na nahuhumaling sa dala nitong lumbay—tunog na tila ba'y nais ko nalang humimlay habang binabasa ang iyong nakakahumaling na istorya.
Sa mga ganitong sandali, nais kong ipaalam sa iyo mahal na manunulat—Amanda. Ako ay patuloy na naghihintay at maghihintay sa iyong muling pag sulat ng bagong kabanata ng paborito kong babasahin.
Sana nga'y mas mabagal na nalamang ang oras upang sa bawat sandali ay marami ka pang kwentong maipamamahagi.
Sumusulat, ang iyong tapat na mambabasa. Magandang gabi~