Sa mismong araw pa ng teacher's day, na dapat masaya lang at nagce-celebrate pero ang nangyari, imbes na masaya lang yung atmosphere, kinailangan ko pang magsaway dahil sa ginawa niya. Ayaw niya magpaawat, ni ayaw niyang tumigil. Tingin niya, siya yung tama at kami ang mali.
Hindi talaga madali maging guro, need talaga pahabain yung pasensya. Grabe, sumasama talaga yung loob ko. Sa kanila pa naman ako super hands on, tapos halos magpalipas na ako ng gutom para lang maasikaso sila kahit grade 11 na sila, yung approach ko sa kanila sobrang bait. Halos I spoon feed ko na pero andiyan parin yung ganiyang student na napaka bastos ng ugali.