Hindi muna ako mag-update sa Miss Ginoo. May mga bagay lang akong pinagdadaanan sa ngayon. Mabigat din na sulatin ang mga natitirang kabanata ng Miss Ginoo, kaya tumuon muna ako sa teen fiction. Kapag pinilit ko, baka makaapekto pa sa nobela kaya ipapahinga ko muna sa ngayon ang nobelang iyon, kasabay ng aking isip at damdamin. Ipagpaumanhin... para sa mga naghihintay ng update. Nawa'y maging maayos ang aking pakiramdam, at muli akong makabalik sa pagsusulat ng Miss Ginoo. Maraming salamat sa pag-unawa.