AngHulingBaylan

Magandang gabi.
          	
          	Tapos ko nang isulat ang draft ng Chapter 32 ng Binhi (Book 2). Isang big reveal ito na magku-connect sa Kaliskis (Book 1).
          	
          	Abangan!

AngHulingBaylan

Hello po. 
          
          I have reverted my name to my [nearly] full name: Jec Alegre. I am going to use this onwards as Mikael Lustre is character name I just borrowed from one  of my stories. Hopefully, I get to write his book[s] in the near future.
          
          Also, I upload new book covers for Kaliskis and Binhi. I hope you'll love it as it looked more professional.

AngHulingBaylan

Hello po!
          
          Maaga kong natapos ang update para sa latest chapter ng Binhi (Book 2 of Munting Handog series) kaya maaga ko rin itong maipapaskil. 
          
          Narito ang Chapter 31. Ang Aghoy at Lewenri snippet:
          
          --------
          
          Nakasuot ng itim na t-shirt, itim na pantalon at itim na sandalyas ang lalaki; katamtaman ang tangkad at gaya ng mga kauri nito, taglay nito ang katangiang nakakaakit para sa mga mortal. Dahil sa kadiliman at kulay ng kasuutan nito, litaw na litaw ang matingkad na tsokolateng buhok nito, na bumagay naman sa kayumanggi nitong balat. May suot rin itong sunglasses na kulay itim at nang tanggalin nito ang suot na salamin, tumambad sa kanya ang mapusyaw na kulay berdeng mga mata.
          
          Perpekto sana ang balat-kayong ito kung hindi lamang sa nakausling mga sanga sa likod ng mga tainga nito. Sa unang tingin, aakalain mong isa itong palamuti, tulad ng isang hikaw, subali’t sa mapanuring mga mata, kagaya ng sa kanya, ang pagkakahawig nito sa buhay na halaman ay hindi maipagkakaila. Sa kanyang palagay mas mainam sanang tinakpan ito ng buhok upang maikubli.
          
          https://www.wattpad.com/1396707405-binhi-munting-handog-book-2-on-going-31-ang-aghoy/page/3

AngHulingBaylan

Magandang araw sa lahat. Sobrang tagal kong nawala dito.
          
          Gusto ko lang ipaaalam na ipinagpapatuloy ko ang pagsusulat sa Binhi (Book 2 sa Munting Handog series). Currently, hindi ko pa tapos ang draft para sa Chapter 31 pero underway na ito. Hindi ko maipapangako na mapapaskil ko ito kaagad, pero I'm hoping na bago matapos ang linggo ang mapaskil ko na ito.
          
          Para naman po sa mga naghahanap ng ibang chapters ng Kaliskis (Book 1 ng Munting Handog series), visit this link po para sa buong kwento: 
          
          https://m.dreame.com/novel/Zxk1K6HLq/fIQ+99ra8qNg==.html
          
          Exclusive na po kasi ito under Dreame.
          
          @AngHulingBaylan

gEnA1693

@AngHulingBaylan ur welcome po author❤️❤️❤️ thank you rin po sa pagpapatuloy ninyong isulat ang book2❤️
Reply

AngHulingBaylan

@gEnA1693 actually, ongoing pa po ito at hindi pa po nangangalahati ang kwento. Thank you so much po sa pagtangkilik.
Reply

AngHulingBaylan

@Miss_Omisha thank you po sa suporta
Reply

HaruShizukuTamayao

Hindi po ba nagkatuluyan si Roselda at yung merman?
          Iba po Kasi kwento Ng book 2 eh

AngHulingBaylan

Actually may subplot sa Book 2 na maghi-hint kung ano naging kapalaran nila Eda at Managat, pero bandang ending pa iyon at napakalayo pa. Pero bigyan kita clue, ang bunga ng pag-ibig ni Managat at Eda ang magiging kwento sa Book 3. Yon lang.
Reply

HaruShizukuTamayao

Can I ask a favor.pwede gawa kayo special chapter po
Reply

HaruShizukuTamayao

@HaruShizukuTamayao Wala na po bang special chapter na nagkatuluyan po Sila?
Reply

AngHulingBaylan

Excerpt from Binhi's latest update, Chapter 30. Sirena, Serena.
          Happy reading!
          --------
          
          Pagmulat niya ng mga mata ay mukha ni Serena ang kanyang nakita. Lahad ang pag-aalala sa mga mata nito. Subali't napansin rin niyang parang mayroong kakaiba sa hitsura nito. Mas malaki ng kaunti ang mga mata nito kumpara sa kanyang naaalala. Tila may mga palikpik ring nakausli sa gilid ng ulo nito kung saan dapat naroon ang mga tainga. Pagbaba ng kanyang tingin sa leeg nito’y nagulat siya sa mga hiyang naroroong bubuka-bukaka, na waring mga hasang. Maging sa mga balikat nito’y mababakas ang hugis ng mga... kaliskis! 
          
           “Sa wakas ay nagising ka na!” usal nito at bagama’t narinig niya ang tinig nito ay tila narinig rin niya ang himig nitong sa kanyang isipan. 
          
          Napaatras siya bigla nang mag-angat ito ng mga kamay upang hawakan ang kanyang mukha. Kakaiba rin ang kamay nito. Matatalim ang mga kuko at may balat sa pagitan ng mga daliri nito. 
          
           “Hindi ka tao?” iyon lamang ang kanyang naibulalas.
          
          Narito ang link: https://www.wattpad.com/1032448525-binhi-munting-handog-book-2-on-going-30-sirena

criticoverload

Ate may pa sana book 2 ang kaliskis

criticoverload

@criticoverload *may book 2 sana ang kaliskis
Reply