Hey guys! Sobra akong nagpapasalamat sa pagmamahal niyo kila Cyndjie at Shane. Grabe, di ko akalain na ganun ang magiging impact ng mga character sa inyo. Damang dama ko kung paano kayo nagalit kay Sandy sa ILAM. Iyong gusto niyo nang pumasok sa story para kayo iyong pumatay sa kanya. Hahaha grabe ang lupit niyo! Salamat sa pagmamahal niyo kay Cyndjie, at paghanga sa ugali niya kung paano siya magmahal. Grabe speechless ako kasi hanggang ngayon madami pa rin ang mga nagbabasa at humahabol na magbasa ng DKBM, DKM, ILAM. Kaya mula sa kaibuturan ng aking puso, maraming maraming salamat po! Sana suportahan niyo din po ang character nila Serenity at Jaidale!