Nag-iisa ka nanaman, nag-iisip, nagmumuni-muni at inaalala ang mga masasayang bagay kasama siya. Natanong mo na ba sa sarili mo, "Bakit niya ako iniwan?, bakit di man lang siya nagsabi o di niya man lang binilin sa kapatid o kaibigan niya na aalis siya?" ... Pero bakit nga ba?..... Siguro may importante lang siyang gagawin o siguro may mas importante na sayo kaya iniwan ka niya at kaya siya lumayo sayo. Ganun talaga, "LAHAT NG BAGAY MAY KATAPUSAN", lahat ng bagay may hangganan, pero lahat ng bagay na sinimulan ay kaylangan tapusin sa isang mainam na pakikipagtalakayan. Kaya kung iniisip mo na iniwan ka na niya, baka pansamantala lang yan. Darating ang panahon na maiisip niya rin na kaylangan niyang tapusin sayo ng maayos ang magandang nasimulan niya sayo. Darating ang panahon na makokonsyensiya siya at marerealize na dapat ka pa niyang balikan dahil may halaga ka sa buhay niya. Pero kung ganun nga talaga ang tadhanang ipinagkaloob sa inyo ng diyos, Just accept the fact na baka hindi na talaga siya babalik pa sayo at kung bumalik man siya sayo, hindi na tulad ng dati. Dahil once na bumalik yan sayo, maaaring wala na siyang feeling at gusto na lang niya na maging magkaibigan kayo.