AvianaSeverine

Story Time! (Delete ko rin latur)
          	
          	Since, wala akong jowa at may mga asawa na ang friends ko, wala akong mapagsasabihan nito. Okay lang sabihin dito kasi wala namang nakakakilala sa'kin. HAHAHAHHAH. 
          	
          	Ganito kasi mga bading, graduation ng baby sis ko bukas. At least makaka-graduate kahit brokenhearted. HAHAHAHHA. Ito na, sa ibang province kasi siya nag-aaral. Kailangan kong magcommute mag-isa. Ang catch? Bobo ako sa directions badeng! As in. Tanga ako pagdating dyan. 
          	
          	So, isang sakay ng bus tapos apat na sakay ng jeep. Yung sa pangalawang jeep, naligaw ako! Putangina. HAHAHAHHAH. Gagi, gusto kong umiyak. Sabi kasi nung driver doon na yung sinabi kong bababaan ko kaya bumaba ako. Kaya nagtataka ako bakit walang red na bubuyog kasi sabi ni ading ko dapat meron kung saan ako bababa. Ayun, naboljak ako badeng. 
          	
          	Gigil na gigil kapatid ko sa'kin, taena. HAHAHAHAHA. "Sabog ka ba? Ano? May Jollibee ba doon na ikaw lang ang nakakakita? Iyan ang napapala ng taong bahay lang. Buti nga." So, ayun. Ang sweet, tangina. 
          	
          	Nilunok ko lahat ng hiya ko sa katawan. Tulad ng bilin ng Lolo ko, "May bunganga ka, basta marunong kang magtanong hindi ka mawawala." So, ginawa ko. Pero mga lalaki pinagtatanungan ko hanggang sa marating ko ang lugar kung saan dapat. Hindi na ako nahiyang magsabi na, "Kuya, pasabay pababa. Hindi ko kasi alam." Nakputa. 
          	
          	Ayoko sa babae, nahihiya ako. Nagpapanic yung kabadingan ko kahit hindi naman dapat. HAHAHAHHAHA. Inisip ko nalang hindi na hindi naman na nila ako makikita ulit. Safe naman mukha ko kasi naka-cap at mask ako. Stress na stress pa ako kasi may dala akong bouquet. Ang hassle bitbitin. 
          	
          	May bonus pa pala. Yung flower shop na pinagbilhan ko ng bulaklak. 
          	"Para kay girlfriend?" Ano ba dapat ang isagot? Nagulat ako kaya tinawanan ko lang. Sabay habol niyang, "Amoy ko kasi." HAHAHAHHAH. 
          	
          	Yun lang naman, salamat. Bye-bye! Mwa!

Kaleightraea

@AvianaSeverine Relatives ko po puro kapampangan, author hahahaha. Natawa lang talaga ako sa mura eh hahaha
Mag-reply

Kaleightraea

Yung mura author hahaha kapampangan ka po ba?
Mag-reply