author, new reader here po! mascxmasc ho ba ang mga stories nyo po? I actually added all of them in my lib and will read this if I have time na po. Thank youuu pooo
May mangilanngilan na naghihintay sa Update ko sa Deeply Inlove With My Bestfriend at talagang humihingi ako sa inyo ng patawad dahil hanggang ngayon hindi parin ako nakakapag update. Hayaan niyo pong tapusin ko muna ang storya nina Exequile at Traviz bago tayo dumako sa storya nina Pablo at David. Hindi kopo kasi kayang pagsabayin, bukod sa busy din po ako sa pag-aaral ay hindi rin ako makakapag focus kung dalawa-dalawa ang gagawan ko ng storya. Baka magkalituhan pa. Para sa mas magandang flow ng story sa abot ng aking makakaya. Hayaan niyo po akong tapusin ang libro nina Exequile at Traviz, pagkatapos ay pagbibigyan kona kayo sa DIWMBF isang matagal na paghihintay pa po. Matatapos ko din ito para sa mga nagmamahal sa mga story na ginagawa ko. Lahat ng ito ay para sa inyo.
Nagbabasa po ako ng mga comment sa mga sinusulat ko. Negatibo man o positibo. Kayo po ang inspirasyon ko. Nagsusulat ako dahil alam kong may tumatangkilik sa kakayahan ko. Mawala man kayo o manatili patuloy parin akong magsusulat para sa pansariling kagustuhan. Maraming salamat po :)
Bukas na bukas din ay sisimulan kona ang AGL's series. Nasa kondisyon na ang aking utak para magsulat. Ang lahat ng ito ay para sa inyo maging para sa akin. Minumulto na ako ng mga bagay na naiwan ko. Pagbawi na rin since 2026 na.