Ang tagal na rin, mula nung hindi ko na tinuloy ang kwento ng The Amazona at ng Closer To You. Tagal ko na rin umalis ng walang pasabi.
Gusto ko lang ishare ano mga nangyari all these years. So eto na in three, two, one.
Year 2015 kung tama naalala ko, yun yung last na nakapag upload ako ng update regarding sa story ko and at the same time nasa school's publication na rin ako. Hindi ito dahil sa nawalan ako ng oras or gana. Ito ay dahil sa paano nga ba ako magbabahagi ng bagay na hindi ko alam.
Ang hirap pala. Mahirap pala kapag tumatanda ka ng hindi pa nagagalusan ng hamon ng buhay. Mahirap palang magtama ng bagay kung di mo pa alam ano ang mali. Mahirap magkwento ng istoryang hindi mo naman alam kung paano ba talaga nag-uumpisa.
After 5 years, heto ako ngayon tinatype tong post para sabihin na hanggang ngayon, wala pa rin akong alam. Pero sa pagkakataong ito, alam ko na, na wala pa rin akong alam. Hindi na ito tulad ng mapagpanggap na dunung-dunungan. Kundi eto yung pagharap sa katotohanan upang magsikap upang magkaalam.
Sa loob ng five years nasubaybayan ko paano sumikat at nakilala ng masa yung mga kagaya ko noon na nagsusulat dito sa Wattpad. Nasubaybayan ko yung mga papuring natanggap nila pati na rin ang mga batikos. Sa loob ng five years pinili ko munang magbasa, manaliksik, at matuto. Hindi lang sa libro kundi mismo sa mga suliranin sa buhay.
Kaya sa mga followers ko pa rin dito sa Wattpad hanggang ngayon, masaya ako na hanggang ngayon naka-follow pa rin kayo sa akin. Sana wag kayong mag-unfollow HAHAHAHA vaket vah?! Pero ayun, thank you!
So eto na nga, susulat na ba talaga ako ulit? Gusto ko, pero sana kapag inumpisahan ko eh kayanin ko ng tapusin.
Sa lahat ng dinanas ko sa loob ng 5 years, salamat dahil kahit papaano, masasabi kong may kaya na akong ibahagi.