Hello po! Ingatan natin ang ating sarili at ang ating pamilya! Ugaliin na maghugas ng kamay bago kumain at uminom. Kumain po tayo ng gulay, prutas at karne at uminom ng tubig. Matulog po at magpahinga tayo kapag napapagod na. Maglinis din po tayo ng bahay. Magexercise. At huwag natin kalimutan na magdasal at ngumiti! Malalagpasan din natin ang pagsubok nito at makakahanap tayo ng lunas sa sakit na Covid-19.
Kapag bibili ng mga groceries sa tindahan, lumayo po tayo sa ibang tao. Social distancing muna at lumayo ng at least na 1m. Magsuot po tayo ng mask, gloves at protective gear. Dalhin po natin ang quarantine pass, valid id at ecobag. Kung maaari, huwag na po tayong lumabas ng bahay. Manatili tayo sa ating bahay para maiwasan ang magkasakit. Kung di maiwasan at talagang kailangan pumunta sa pamilihan, isa lamang po sa miyembro ng ating pamilya ang pwedeng lumabas ng bahay at dapat po makauwi tayo sa ating tahanan bago mag-curfew.
Maganda po na magtanim po tayo ng mga gulay at prutas sa ating tahanan. O di kaya magligpit ng mga gamit, magtahi ng damit, magluto, gumuhit ng larawan, kumanta, sumayaw at iba pang hobby na makakatulong sa atin at sa ating pamilya. Sana po ito ang ating libangan habang nasa loob ng bahay.