nasa dugo daw ang pagsusulat, siguro nga.
iniisip ko kasi nasa puso ang pagsusulat
pero sino na nga ba ang nagpapatibok sa puso?
hindi ba't ang dugo?
ang pagsusulat ay buhay
umaagos ito, gaya ng dugo.
patungong puso.
hindi mo siya maawat
at kung sakaling tumigil ka
hihinto ang lahat
ang buhay
ang hininga
ang kathang-isip
ang lahat ng ito.
paligid, daigdig, pag-ibig.
- Taguig
- JoinedApril 9, 2014
- facebook: Bernard's Facebook profile
Sign up to join the largest storytelling community
or