usad ka na.
sana ngayon ay matuto ka na,
bitawan lahat ng mga masasaya n'yong ala-ala.
ipahinga mo na ang sarili mo,
sa mga bagay na ikakasakit lang ng damdamin mo.
usad ka na,
dahil hindi na ikaw ang kasama n'ya.
usad ka na dahil kahit sarili mo ay napapabayaan mo,
dahil sa isang taong wala ng paki-alam sa'yo.
usad ka na,
hindi na ikaw ang kasama n'ya sa mga istorya,
na kayo mismong dalawa ang dapat sana ay bida.
usad ka na,
dahil ikaw nalang ang umaasa,
samantalang s'ya ay masaya na sa iba.
ngayon, piliin momg umusad ng mag-isa,
dahil sa huli ay sarili mo lang ang yung kakampi.
alam kong mahirap na gawin ito,
pero isipin mo na durog na ang puso mo.
sana matutunan mong mahalin ulit ang iyong sarili,
para hindi ka na masaktan sa huli.
- JoinedAugust 22, 2022
- facebook: Camila's Facebook profile
Sign up to join the largest storytelling community
or
8 Reading Lists
- Reading List
- 200 Stories
- Reading List
- 38 Stories