Palagi mong pipiliin ang maging mabuti sa kapwa dahil hindi natin alam kung paano ang takbo ng bawat araw ng kanilang buhay.
Hindi mo sigurado kung sapat ba ang pagkain nila para bukas.
Hindi mo alam kung paano sila i-trato sa loob ng kanilang tahanan.
Hindi mo alam kung gaano sila hirap makapasok lamang sa paaralan.
Wala kang alam. Wala kang ka-siguraduhan. Maaaring nakita, saglit na nakausap, o di kaya'y naririnig mo lamang sila sa mga bali-balita ngunit wala kang kasiguraduhan kung anong klase ng tao at buhay ang mayroon sila.
Maging mabuti ka. Mas piliin mo ang maging dahilan ng pag-ngiti ng iba. Malay mo, gusto na nilang sumuko sa buhay ngunit napagaan mo pa ang kalooban nila at naging isa ka pa sa dahilan upang bumangon sila at magpatuloy.
Be that kind of person. Stop humiliation, bullying, racism— stop toxicity, stop being disrespectful.
PS: Huwag mo ring piliin kung kanino ka lamang magiging mabuti. Ang pagiging mabuti ay para sa lahat.