Ang sarap siguro magkaroon ng boyfriend na ganito. Yun bang sasabayan ka sa kahit anong trip mo. Yung makikipagkulitan sa’yo kahit saan. Yung minsan siya pa ang nag-iinitiate ng mga bagay na gagawin ‘nyo para lang maging masaya. Ang swerte ng mga babaeng makakahanap ng ganitong kapartner. Yung lalakeng na kaya gawin ang lahat, mapasaya lang ang taong mahal niya. Yung kahit nakakahiya na minsan bilang lalaki, nagtetake risk parin siya para lang sa babaeng mahal niya. Ang sarap siguro kung magkasama kayong dalawa dahil puro na lang kulitan, halakhakan, laging masaya. Kasi nagkakasundo kayo sa mga bagay, maliit man ito o malaki. Kung maging malulungkot ka man, mas masasaktan siya at gagawin niya ang lahat para maging masaya ka. Tapos kung magkakaproblema man madali niyo lang rin ito maayos, kasi at the end of the day nangingibabaw parin yung pagmamahal niyo sa isa’t isa. At madali niyo lang iyon maaayos dahil nga nagkakasundo kayo. Dahil sa isang relasyon kailan magwork ng dalawa, hindi pwedeng yung lalake lang. Di rin pwede yung babae lang, kailan kayong dalawa at dun mo makikita ang tunay na nagmamahalan.
  • JoinedJuly 7, 2013



Last Message
BratChick BratChick Jul 17, 2013 01:04PM
When people can walk away from you, let them walk. Your destiny is never tied to anybody who left.
View all Conversations

1 Reading List