mariafabulas

Hi! Do you like fairytales? Princes and Princesses with their jaw-dropping palaces? Do you like magic or being in another world? If you do, try my story HEARTBEATS UNDER THE MOON. Just visit my profile for the book! Thank you! Pls vote and comment your thoughts and be part of my platoon!

pluemnpkin

TITLE: True Color
          
          AUTHOR: PriayeMoxx
          
          GENRE: Teen Fiction, Fantasy, Romance, Drama
          
          STATUS: Ongoing
          
          LINK: https://my.w.tt/hyZhvt6gH2
          
           PROLOGUE
          
          Nakatingin ako sa labas ng kotse, ganun padin ang sitwasyon ko wala paring ibang kulay ang nakikita ko puro itim at puti lang. Halos araw-araw akong humihiling na makakita ako ng ibang kulay.
          
          "Ah miss Mayie nandito na tayo sa school mo." sabi ng driver ko si Mang Dan.
          
          Napansin ko nalang na kinakausap na ako ni Mang Dan kaya dali-dali kong kinuha ang bag ko at lumabas sa kotse.
          
          Alas-sais palang ng umaga at mamayang Alas-siyete pa ang pasukan namin. Napaaga ako ng pasok ngayon. Agad na pumunta ako sa classroom namin.
          
          Habang naglalakad ng biglang tumunog ang cellphone ko. Kinuha ko naman ito sa aking bulsa at sinagot ang tawag ni Papa.
          
          "Hello?"
          
          "Mayie Nak nabalitaan ko daw maaga ka pumasok ngayon?."
          
          "Opo pa, may gagawin po kasi ako ngayon."
          
          "Ah Ok, ingat mayie ah sabihin mo lang kapag may nang bubully sayo."
          
          "Opo pa, siya pa nandito na ako sa classroom ko bye."
          
          "Bye"
          
          Binuksan ko ang pinto ng classroom ko laking gulat ko nung madatnan ko ang isang student na nasa dulo ng classroom namin nakaupo sa may tabi ng bintana. Napatingin ako sa kanya ng sobra.
          
          "Ano to?, B-Bat may kulay akong nakikita." Di makapaniwalang nangyari sa akin.
          
          Namangha nalang ako sa mga kulay na nakita ko. Nagtaka din ako kung sino ang lalaki ito. Napatingin ito sa akin halos lahat ng kulay nakikita ko na nakapalibot sa kanya.
          
          "Ito na ba yung araw kung saan magsisimula ng kumulay ang mundo."
          
          "Sino ka?"