Butteredcat_80

Basahin at Unawain
          	
          	Ikinalulungkot kong ipaalam na kinakailangan ko munang i-unpublish ang aking akda sa Wattpad. Ito ay dahil nais kong baguhin at pagandahin ang ilang pangyayari sa kuwento upang mas maging maayos at makatotohanan ang daloy nito.
          	
          	Gayunpaman, wala kayong dapat ikabahala. Ang mga karakter na naipakilala ko na sa aking akda ay mananatili pa rin, kasama ang kanilang mga personalidad, layunin, at mahalagang papel sa kuwento.
          	
          	Batid kong hindi pa umaabot sa mas malawak na mambabasa ang aking akda, ngunit sisikapin kong maihatid sa inyo ang mga aral at mensaheng nais kong iparating. Ang aking kuwento ay hindi lamang umiikot sa genre ng romansa, kundi tumatalakay rin sa mga pangyayaring naganap noong panahon ng pananakop ng mga Espanyol sa ating bansa.
          	
          	Kung mayroon man kayong mga puna, mungkahi, o komento tungkol sa aking akda, malugod ko itong tatanggapin. Subalit hinihiling ko rin ang inyong pag-unawa na hindi ko tatanggapin ang mga mapanirang komento o anumang personal na pag-atake laban sa akin.
          	
          	Maraming salamat sa inyong suporta, pagtangkilik, at mahabang pasensya. Huwag kayong mag-alala, sapagkat muli ko rin itong ilalathala. Nasimulan ko na ang kuwentong ito, at determinado akong tapusin at pagandahin ito para sa inyong lahat.
          	
          	- May-akda✨