Caelum_rey
Hello everyone. I just opened my Watty app kani-kanina lang, and syempre, super excited akong pinindot agad yung notification button. Alam niyo naman ‘yon kapag may notif, ibig sabihin may nag-follow, nag-comment, nag-vote, or baka naman nag-update na yung author na ini-idolize ko. Nakaka-happy talaga ‘yon for a writer like me.
Pero this time, iba yung bumungad sa’kin. I saw a comment from a reader saying na pangit daw yung mga characters ko, ang dami ko raw ebas, sana tula na lang daw ang sinulat ko, kaya raw wala akong readers, at grade schooler daw ako. HAHAHA. Tatawa ka na lang sana, pero to be honest, masakit. This is my first time na makatanggap ng ganung klaseng comment, kaya tinamaan talaga ako. I deleted it right away kasi ayokong kumalat yung toxicity sa space ko. Lalo na’t hindi rin ako okay today, pagod sa school activities, may dinadala, pero kahit ganon, tuloy pa rin ako sa pagsusulat para sa next update.
Gusto ko lang linawin, first time ko pa lang magsulat ng story. I’m a beginner, someone who’s still learning, still trying, still figuring things out. I'm doing because this is what I love, even though the world outside is very chaotic and challenging ay pinagpapatuloy ko pa rin. This story, this app, this space, dito ako nagpapahinga. Ito yung takbuhan ko kapag pagod ako, yung tahanan ko kapag kailangan ko ng motivation ulit at dahil dito marami akong nakilalang sumusuporta sa akin.
Kung hindi mo gusto yung story ko, okay lang. Walang problema. Hindi naman kita pinipilit magbasa. You’re free to leave kung hindi pasok sa taste mo. Kasi sa totoo lang, ginagawa ko ‘to para sa sarili ko, dahil ito yung nagpapasaya sa’kin. At alam ko rin sa sarili ko na mag-iimprove pa ako.
I love being poetic, parte na ‘yon ng pagsusulat ko. Kung ayaw mo ng ganung estilo, then simply don’t read it.
+++
Caelum_rey
@Caelum_rey Aminado ako, minsan may misspellings, may mali sa quotation marks, pero normal ‘yon lalo na sa nagsisimula pa lang. Hindi ako perpekto, at hindi ko kailanman sinasabi na gano’n ako. Kaunti readers ko? So what? Hindi pa ako masyadong active mag-post sa ibang socials kasi may iba akong priorities right now. Pero look—thank God, may 7k reads na ako kahit halos walang exposure. What more pa kaya kung meron na, diba? Ang punto ko lang naman dito ay libre lang maging mabait. Hindi mo kailangang manakit o magsalita ng masama para lang maipahayag ang opinion mo. Reader ka, oo peri sana may natututunan ka rin sa mga kwentong binabasa mo, hindi lang sa plot kundi pati sa pagiging tao. And one last thing—I don’t care who you are. Just mind your own business. I’ll keep writing, I’ll keep growing, and I’ll keep choosing what makes me happy.
•
Reply