CaliMavi_03
Link to CommentCode of ConductWattpad Safety Portal
Bakit kaya kahit anung gawin mong tama nagkakamali ka pa din...
CaliMavi_03
Dati pag August excited ako sa month na to syempre doon kasi yung araw na nakilala kita..
Mag 2 years na sana tayo..
Kaso bumitaw ka at iniwan muna ko...
Ngayon pag August nalulungkot lang ako...
Sana ay ok ka lang at maging masaya ka lagi....
Pasensya na kahit anung gawin kong limot nandito ka pa rin sa puso ko...
Mahal na mahal pa rin kita ..
Sana soon maging maayos na ang lahat..
Sobrang miss na kita Froggy P.. ko..
Kaso tumutupad L ako kung anu gusto mo..
Eto yung gusto mo na wala na ko sa tabi mo..
Wag kang mag papa kapagod sa trabaho at lagi ka kakain ng food sa tamang oras..
Uminom ng maraming tubig..
Lagi kang mag iingat..
Yours truly;
Baby
CaliMavi_03
Sa mga Author na nag a update ngayon lockdown..
Maraming salamat po..
Tumutulong kayo para kaming mga readers niyo ay mag stay lang sa house at di lumabas.
Pati sa mga taong mahilig magbasa ay mababasa ang mga magaganda niyong gawa na mga istorya.
Lahat kayo ay may kontribusyon sa ating lipunan.
Maraming Salamat po..
CaliMavi_03
"Nangungulila"
Ako'y nadadalamhati sa pangyayaring di mo inaasahan.
Ika'y nawawala na ba sa aking piling
Pero isasantabi ang pagkasabik sa tuwi tuwina
Pilit nagiging masaya kahit sa loob loob ay unti unti na umiiyak at di mapakali
Na sana'y isang araw bumalik mula sa dati
Ang alab ng pagmamahal ay muling uminit at umusbong
Lalaban hanggang sa makita ulet ang iyong mga ngiti
Isa alang alang ang pagmamahalan na sa puso di naaalis
CaliMavi_03
@Mysteriuos7120 Salamat para sakanya talaga yan.. Pero totoo di dapat talaga magmahal dito kaso di matuturuan ang puso kung sino pwede mahalin.. At siya ang napili ng puso ko..
•
Reply
Mysterious7120
@CaliMavi_03 Miss ang ganda ng gawa mo pero ramdam ko yung sakit at pighati.. Payong ka watty lang wag ka magmamahal ng taga dito mapa readers o Author.. Why? Kasi puro fantasy lang dito.. Walang totoo.. Tiyaka ang malas mo natapat ka sa taong mahilig mang iwan at magpaasa.. Sorry to say this Hindi ka talaga mahal niyan.. Bakit ka niyan iiwan kung mahal ka talaga niyan.. Ibig sabihin ikaw lang nagmamahal ng totoo.. Palusot lang yung mahal ka pero di kayo nakatadhana.. Lahat ng tao sila nagde desisyon sa sarili nila kahit maging kumplikado na ang lahat.. Sila namimili Kung sino ang mamahalin, paaasahin at lolokohin.. Sorry Miss napunta ka sa duwag, makasarili at walang puso na tao di marunong magpahalaga.. Kaya dapat Lesson learned ka na kaya next time wag na dito.. Sa totoong taong nagmamahal sayo.. Kaya mo yan pray kay God at soon totoong makakahanap kana din ng tunay na magmamahal sayo..
•
Reply
CaliMavi_03
"Nag-iisang ikaw"
Araw araw nalang ay naghihintay sa'yo,
Nanabik na mahagkan at mayakap ka.
Iniwan mong alaala ang siyang lagi Kong kasama...
Bakit kapag wala
Sadya bang kulang pa
Bakit kaya gano'n
Ang siyang nadarama
Sa bawat sandali hanap ka ng aking mata
Marahil ay ikaw na nga
Sa akin puso ang ligaya
Dahil sa'yo ako'y wala ng hahanapin pa
Ikaw ang pag ibig ko
Ang tawag ng damdamin
Ang mabuhay nang wala ka
Ay hindi sapat
Dahil kailangan ko
Ay laging ikaw
Nasa twina'y nagtatanaw
Sa aking puso'y may tinatangi
Ang nag iisang ikaw
Kahit na ano'ng nangyari
Magmamahal pa rin sa'yo
Ang lagi kong iisipin
Mahal mo rin ako
(Haist! Napakaganda makinig ng music at mag senti pag naulan. Hahaha.)
Ehem!syempre para sa froggy P. Ko to handog ang kanta...
I love you so much
I miss you
❤❤❤❤
CaliMavi_03
@Mysterious7120 am ganun naman talaga pag nagmamahal ka di ako malas sakanya kasi natuto ako na magmahal ng totoo sakanya sadya Lang talaga na may mga bagay na mas priority siya at Hindi ako kasama dun... Hiling ko na lang ay sumaya siya kahit Hindi na ko parte ng buhay niya...
•
Reply
Mysterious7120
@CaliMavi_03 ang sweet mo naman... Swerte naman ng Froggy P. mo.. Kaso Ito ba yung nang iwan sayo malas mo pala sakanya....
•
Reply
CaliMavi_03
"Pananabik"
Sa iyong kariktan na hindi mo mabatid na di ka makakalimutan
Hulma ng mukha at mga ngiti mo na nakakapawi ng lungkot
Wari'y tinamaan ng pagkasabik sa tuwi tuwina na labis ikagagalak pag ika'y nakita
Pero minsa'y hindi nagkakataon na makita ka kaya ang puso ay sobrang lugmok sa kalungkutan
Pananabik na makita at mahagkan ka sa tuwi tuwina
Sana mapagbigyan ng tadhana na makita ka para ang puso ay mabuhay muli at maging maligaya
Dedicated to: My Froggy P.
I miss you ❤❤❤
Mysterious7120
@CaliMavi_03 Grabe ang dami mong gawa sakanya na Tula at hugot alam mo ang swerte niya sayo kung ako may nagawa sakin ng ganto di ko na papakawalan pa bihira na kasi yung my mag effort sakanya ng ganto.. Sayang naman mga gawa mo para sa maling tao na to... Next time Please be careful with your heart... Wag agad magtitiwala...
•
Reply
CaliMavi_03
Pag ibig nga naman
Pag ibig ay napakasarap
Ramdam mo ang saya sa puso
Lalo na kapag siya ay laging nandiyan
Tawa at inisan ang lagi niyo ginagawa
Biro dito at Biro doon
Na minsan umaabot sa pagtatampuhan
Pero di tumatagal kasi nagkakaayos kayo
Kada araw ang nag daan hanap muna ang presensiya niya
Yung tipong namimiss muna siya at di ka mapakali na bakit di siya nagpaparamdam sayo
Laging ang tanong sa isip bakit nag bago bigla siya
Hindi katulad dati na nagsasabi siya kung nasan at bakit busy siya
Kaya ang pag ibig minsan masakit na Hindi mo alam na napapaluha ka na
Yung taong nagpapasaya sayo ay siya din nagpapalungkot sayo
Nakaka ramdam ka ng pighati sa puso at mapapaisip ka Mahal niya pa ba ko o minahal niya ba talaga ako?
Na dati mabilis siya magreply at excited pa siya makita ka ngayon unti unti nawawala yon
Kung kelan labis mo na siyang mahal at di mo na kaya mawala pa siya sayo
Pero laging may pag asa habang ang puso ay tumitibok pa sakanya at may pagtitiwala
Na laging isa isip mag tiwala ka lang sakanya at babalik din yung dati na magkaka oras siya sayo pag di na siya busy na babawi siya sayo
Ngunit di sana mapagod ang puso na tumitibok para sakanya
Pag ibig nga naman minsan maganda ang katapusan at minsan malungkot na nakakadurog ng puso.
Dedicated to: My Froggy P.
Mahal ko,
Sana dun tayo sa maganda ang katapusan..
I love you ❤❤❤
I miss you so much.
:'( :'( :'(
(Paki pasensyahan mahal ko at masama pa din pakiramdam ko...)
CaliMavi_03
"Pangyayari"
Dumadaan sa panahon na di natin akalain na di mo siya nakikita
Madalang pa sa pagpatak ng ulan ang inyong pag uusap
Pero di mo mababatid na nakatatak na siya sa iyong puso
Laging ginugulo ang iyong isipan
Sobrang daming nangyayari pero nandiyan padin kayo sa isa't isa
Hindi man sa pagkikita pero nagkakasundo ang inyong puso
Sabik na makita at mahagkan ang bawat isa
Isang ngiti ay nawawala ang mga pag aalala
Pilit isasantabi ang mga problema
Pinaka mahalaga sayo ay siya at wala ng iba
Papanalangin na matapos na ang lahat
Maibalik sa kung ano ang meron sa inyo
Nagtitiwala sa tadhana na nandun pa din ang tamis ng pagmamahal
Na di kumukupas kahit gaano pa katagal di nagkikita kasi Tunay ang Pagmamahal
Dedicated to: My Froggy P.
❤❤❤
CaliMavi_03
"Oras"
Oras na pinaka mahalaga
Oras na pinaka hihintay
Oras na makakausap mo siya
Oras na mapapadama mo na mahal mo siya
Oras na pinaka iingatan
Oras na pinahahalagahan
Oras na pag nawala sayo di muna kayang ibalik pa
Oras na pag pinakawalan mo nasa huli pag si sise
Oras na hawak na siya ng iba dun ka pa iiyak
Oras na dun ka magdurusa
Oras na laging wag sayangin
Oras na laging isa alang alang
CaliMavi_03
"Kung alam ko lang at Baka Sakali "
Kung alam ko lang na ang puso mo ay nasasaktan ko na baka sakaling di nalang ako nag pumilit pumasok sa buhay mo.
Kung alam ko lang na unti unti kanang nawawalan ng oras sa atin baka sakaling mas lalo pa akong nagbigay nang maraming oras sa'yo.
Kung alam ko lang na hindi na pwede akong magtext sa'yo baka sakaling dinamihan ko pa ang mga text ko sa'yo.
Kung alam ko lang na di na pala natin pwede gawin ang mga naka sanayan gawin dati baka sakaling ginawa ko pa nang nararapat ang dapat gawin...
Kung alam ko lang na magugulo ko na ang buhay mo baka sakaling dapat umiwas nako sa'yo nung umpisa pa lang.
Kung alam ko lang na magiging komplikado sa'yo ang lahat sa atin baka sakaling ginawa nalang kitang isang kaibigan.
Pero ang alam ko lang at sigurado ako ay Mahal na Mahal kita at di ako nag sisisi na minahal kita...
At di ako nagbabakasakali na di sabihin sa'yo ang sinisigaw ng puso ko na Mahal ko,
Mahal na Mahal kita. :'( :'( :'(
P.S. Alam Kong mababasa mo eto Mahal ko
:-* :-* :-*
Dedicated to: My Froggy P...;-) ;-). ;-)
I want you to know that I will always here for you to support you and continue loving you even you're far away from me....