Hello there. :) Okay, how do I start this? hmm..
Madalas narin akong nakakapag-open ng account. Pero di tulad ng dati, pang-reader mode nalang ang pag-oopen ko ng wattpad. Idk, di na katulad ng dati yung feels ehh. Parang nakakapang-wala ng gana? Siguro kasi marami akong namimiss or maybe, just maybe, wala akong masyadong inspirasyon to write unlike dati.
Now, I just decided to re-organize my account, ang tagal ko na kasing di 'to naaayos. Ang je-jeje pa nung mga nakalagay. So, habang inaayos ko yung mga bagay-bagay dito.. Napadaan ako sa konting profiles ng mga naging kaibigan ko dito sa wattpad.
Wattpad, not only gave me the chance to post my stories, but it also gave me the chance to meet friends. Narealize kong ang laki pala nung nawala sakin. Grabe. More than a year akong nawala rito, pagbalik ko wala na kong nadatnan. It's sad.
Nanjan yung mga naging mga internet friends ko, na ngayon madalang ko nalang makausap dahil busy narin pare-pareho sa kanya-kanyang priorities. Nanjan rin yung mga foreign friends ko na dati hulihan sa meebo chat kasi iba ang time dito at sa lugar nila. Nanjan rin yung mga readers ko na wagas maka-comment, kaya super inspired akong mag-update nang mag-update. Tbh? Idk why i'm typing these (with matching emotions pa ha). Siguro kasi, i miss them so much.. I miss a lot of things.
Dati stress-reliever kong magsulat. Ngayon? Nung nagbalik ako sa watty, di ko na matandaan pano gumawa ng story. Let's be honest, yun talaga pinagdadaanan ko. Given this, ang hirap na tuloy mag-labas ng stress.
Pasensya na sa mga makakabasa nito. Halata bang may pinagdadaanan ako? HAHAHAHA. Gosh. I need help -.- Anw, yun lang naman.
PS. uso kasi paramdam :(
PPS. Happy Halloween and Merry Christmas everyone! God bless! xoxo