Nakakatawang isipin na kahit anong gawin ko, hindi pa rin bumabalik ang dagitab at sigla ng aking pagsusulat. Kung may nanaisin man akong bumalik, ito ay walang iba kung hindi ay ang aking malikot na imahinasyon. Sa patuloy na pagtanda, unti-unti nang bumibitaw ang nakaraan. Hindi ko na maibalik ang sigla at ngiti sa aking bibig sa bawat salitang aking sinusulat. Siguro, si "Nagmamahal, Paraluman" na ang huli. Inyo na lamang siyang balik-balikan sapagkat ang manunulat na ito ay opisyal na munang magpapaalam sa mundong kanyang sinubukang palawakin. At dahil huli na nga ito, ang buong pahina ng "Nagmamahal, Paraluman" ay aking ipakikita sa inyo bilang tanda na hanggang sa huli, sinubukan ng may-akdang... pasayahin at paiyakin kayo.
Hanggang sa muli,
Capuchinaur