coxmicraspberrie

Hi nice dis is gelaii

CatWithMismatchedEye

i Magnifico ay nagmula sa isang mahirap na pamilya. Kahit  bata pa lang siya ay tinutulungan niya ang mga may nangangailangan. Tumutulong siya sa kanyang pamilya tulad ng pag-aalaga sa kanyang lola at kapatid na may sakit. Dahil sa kahirapan ng kanilang pamilya, naging malaking problema sa kanila ang pagkakaroon ng sakit ng kanyang lola. May taning na rin ang buhay ng kanyang lola, kaya sa pagnanais niyang makatulong sa kanyang pamilya gumawa siya ng paraan upang paghandaan ang burol ng kanyang lola. Siya ang gumawa ng kabaong at siya ang naghanda ng kasuotan kapag namatay na ang kanyang lola na may taning na ang buhay. Sinikap niyang tugunan ang pangangailangan ng kanyang pamilya tulad ng kanyang kapatid na babae na pinapasan niya sa likod at ang nakatatandang kapatid na natanggalan ng iskolarship. Marami ang natulungan ni Magnifico tulad nila Ka Doring na galit na galit sa mundo at sina Cristy at Fracing na may tampuhan ngunit sa huli ay nagbati rin. Punumpuno ng kabutihan si Magnifico. Ngunit sa kasawiang-palad ay nahagip siya ng isang sasakyan dahil sa pagliligtas niya kay Domeng. Ito ang naging dahilan ng kanyang maagang kamatayan. Maraming tao ang nakiramay sa pagkamatay ni Magnifico. Ang paghahandang burol para sa kanyang lola ay gimanit para sa kanyang pagpanaw. Ang kabutihan ni Magnifico ay mananatili sa puso at isip ng mga taong kanyang natulungan at nakasama.  Ang pelikulang Magnifico ay tungkol sa buhay ng isang batang musmos na namulat ang isipan dahil sa kahirapan. Inilarawan dito ang mga pagsisikap at tagumapay, kabutihang loob, bawat pagmulat ng kanyang m ata sa mga bawat bagong umagang darating sa kanya at lalong-lalo na ang mga pagbabagong naganap noong kamatayan niya. Patas ang pag hahayag ng may akda sa storyang ginawa niya ipinakita niya ang mga detalyeng importante na dapat isaulo at tunghayan Ipinaliwanag din ng may akda na 
Reply