Kinakabahan ako ngayon, paano ba naman kasi...may quiz kami sa chemistry bukas. hindi ko naintindihan yung topic naming chemical equiibrium. nagdadalawang isip na ako kung ipagpapatuloy ko pa ba ang pagkuha ng kursong nursing..subalit yun lang ang nakikita ko, yun lang naiisip ko, yan lang ang inilaan at plinano kong kurso. nahihirapan na ako. hindi ko naman maikuwento sa mga kaibigan ko kasi ayaw ko rin naman dagdagan pa yung problema nila. syempre kolehiyo na mga yun, nasstress na rin sa pag-aaral tulad ko. nako po, Panginoon..sana po sapian po ako ng kasipagan at katalinuhan para maipasa ko po yung quiz at exam sa unit na ito at sa mga susunod pa. ito po ang isa sa mga major class na kelangan sa nursing. gusto ko na umiyak pero inisip ko mamaya na lang kapag tulog na silang lahat. feeling ko kasi hindi ko na kaya...ngunit sabi nila, "you will never know until you strive and try". i know naman, sloppy akong tao eh. sinusubukan ko magbago, pero ewan. hindi naman ako ganito dati. sa katunayan, ang gaganda ng mga marka ko sa Pinas (pwera lang sa Math). Pero pagdating dito, bat ganun? Dahil ba sa language barrier? or sadyang tamad talaga ako? Humingi ako signs, ang daming sgins na ibinigay sakin ni G...nursing. Nahihirapan lang talaga ako. Maybe, nasa adjusting process pa rin ako? (Ganern?! Di pa rin makamove?! hay tssk. ang sarap pukpukin ng sarili ko e! Kakabanas!)
Panginoon, kayo na po ang bahala. ibibigay ko na po lahat ng tiwala sa inyo at iwawaksi ko na po ang takot saking puso. Gabayan niyo po ako sa bawat hakbang ko, ganun din po ang aking gagawin. ibibigay ko po best ko para sa inyo at sa pamilya ko. Pagpalain niyo po kaming lahat.
sa ngalan niyo po, Amen.