ChaoticMindedGirl
bakit nga ba ako humahanap ng kanta bago magsulat? kasi para may background music? para makahugot ng magandang linya mula sa kanta at simula dun ako mag-uumpisa para magnilay-nilay? para makapag-concentrate ako? o wala lang? kahit ako hindi ko alam bakit naghahanap ako ng kantang di ko matagpuan kahit saang playlist ng spotify ko, o kahit sa mga istasyon ng radyo na patuloy ko lang naman na pinapalipat lipat hanggang sa umulit ako kung saan ako nag-umpisa. ito na naman kasi ang mga bagay-bagay na pilit akong ginigimbala. masakit na sa ulo, sa puso, sa damdamin at sa pag-iisip. teka... nababaliw na ata ako. ulo at pag-iisip? puso at damdamin? mukhang iisa ngunit magkaiba. kumbaga physically and emotionally drained ka na. yun lang naman. bakit ko nga ba pinapahirapan ang sarili ko sa pagpapaliwanag? ha ha ha. bakit ko nga ba ginawa to? ah! naalala ko na. nakainom nga pala ako. palipas oras. nasa bahay ka lang. may wine sa tabi mo. nung una masaya ka pa pero pag tumagal na... kapag umepekto na ang alak sa sistema mo dun na aatake ang lahat ng concernssssss mo sa buhay. oo madaming "s" talaga. kasama sa buhay yun. kakabit na ng tadhana. ngunit masarap rin namang isipin na bakit kaya ko parin gumising at huminga sa kabila ng lahat. "you have a purpose in life". madalas yan ang isinasaksak ko sa kokote ko para hindi ako sumuko. para may lakas parin akong harapin lahat ng mga hindi magagandang bagay na dumarating sa buhay ko. ang haba na nito. di na nakakatuwang basahin. osyaaaa... itutulog ko na lang to at bukas pag binasa ko ulit to ay pagtatawanan ko na naman ang sarili ko sa kakornihan ko sa buhay. cheers sa mga may tapang harapin ang bawat pagsubok ng buhay!