CharlesFredAgustin

New Story now on Wattpad!
          	
          	NANG MAGBAGO ANG KWENTO NATING DALAWA
          	Sa panulat ni Charles Fred Agustin
          	
          	At nagdurugo ang kalangitan
          	Sa tuwing ang araw ay lumilisan.
          	
          	Sa pagsibol ng buwan
          	Ang kwento niya'y muling babalikan.
          	
          	2019
          	Isang manunulat na hindi makapagsulat, at isang babaeng patuloy nanumiibig sa mga alaala at hindi mabitawan ang mga 'sana lang' at mga 'paano kung' sa buhay. Ito si Louise, edad na 31.
          	
          	Kung itatala ni Louise ang lahat ng pinagsisisihan sa buhay ay makakapagsulat siya ng isang nobela sa paglilista pa lamang ng mga ito. Hanggang sa isang araw, napagdesisyunan niyang umuwi ng Ilocos upang katagpuin ang taong nagpasibol ng isang libo't isang tula at kwentong nais maisulat sa papel.
          	
          	2003
          	Isang dalagang puno ng matatayog na pangarap at umibig ng lubos sa taong magtuturo sa kanya kung paano sumulat. Siya ay si Louse, edad na 15.
          	
          	Sa hindi inaaasahang pagbibiro ng tadhana at panahon, ay magkikita ang dalawang Louise upang baguhin ang kanilang naging buhay at maiba ang magiging takbo ng kanilang hinaharap.
          	
          	Saan hahantong ang istorya ni Louise sa pagbabalik niya sa taong 2019? Ano ang handa niyang isakripisyong mawala sa kanyang buhay matamasa lamang ang pinangarap niyang yaman at pag-ibig?

Kazumi_Ace_05

Hi poo, ehh po kuya ung story ng heart over matter maganda nmn sya ehhh.. Kaso lng di ko tlga matanggap na namatay nlng nang basta² si Lance ng makabuhay nmn si Nicole.
          Eh ung akin lng ba't nga nmn umepal pa si Peter kainis! Tapos si Lance matigas rin ang ulo lumayo parin sa hospital kung nasaan ang katawan nya at bigla nlng rin nag bago sya Like wat da, ba't bigla nmn sumuko si Lance at lokong Peter rin ba't di nya nmn inamin na pwedi nmn plng pareho silang mabuhay e.(yon na eh, magkakasama na sila hanggang sa pagtanda, kaso huhubels loving from far nlng tuloy, huhubels)
          
          —ps: so nag imagine nlng ako na sa part na pareho silang nabuhay, happily ever after:'|. So kuya charles baket po ganun ung nangyari, like may lesson nmn ata yon. So no po yun kuya? (at nang malinawan ako, salamat po)