۝ I LOVE MUSIC and STORIES!۝

Ako kahit sino pwedeng maging friends ko.

Pilipino, Amerikano, Koreano,

Hapon, Intsik,Briton, Turko,

Arabyano, etc...basta palakaibigan.

Kahit klepto, basta hindi naman ako papatayin after niya makha lahat sa akin(no?).

Kahit basagulero, basta ba hindi ako 'yung hahamunin niya eh( 'hindi ako sanay makipagbasagan ng mukha)

Kahit bad breath, 'wag na lang akong laging kakausapin ng face-to-face.

Kahit may BO basta ba naliligo 'din( kahit once a week lang...)

Kahit alcoholic, wag lang drug-addict ha.

Kahit bopols, may sense of humor naman, ok na 'rin( kahit pa korni 'yan!)

Kahit matakaw, basta 'wag lang ako aagawan at uubusan ng pagkain.

Kahit iyakin, basta marunong magtanggal ng muta.

Kahit sintonado kumanta, basta alam ang meaning ng kinakanta niya (pati na 'rin ang lyrics...hehe.The Singing Bee!!!)

kahit madaldal kung marunong naman magtago ng sikreto.

Kahit madungis ang hitsura, malinis naman ang nilalaman ng puso( ka-dramahan na ito!)

Kahit bulag basta marunong tumingin ng mga magagandang ginagawa mo...

Kahit bingi basta marunong umintindi.

Kahit pipi basta ba marunong magparamdam ng nilalaman ng damdamin.

Ayaw ko sa may mata na puro kagandahan lang ang nakikita.

Ayaw ko sa may tenga na hindi marunong makinig ng payo.

Ayaw ko sa may bibig na puro kasinungalingan 'din namn ang alam.

Ayaw ko sa may balat pero manhid naman.

Gusto ko ay 'yung taong kahit walang pera, mayamn naman sa pag-unawa at pagmamahal.

Yung palabiro, pero seryoso pagdating sa usaping puso.

'Yung pamali-mali gumawa ng desisyon pero tinatanggap 'din naman na mali siya at inaayos niya ang gusot.

At Pinakahuli sa lahat,
gusto ko 'yung tao na kahit hindi marunong mag-ingles,

kayang ipadama at sabihin ng buong puso ang salitang
'I Love You'
  • Se ha unidoApril 16, 2013

Siguiendo

Último mensaje
ChasingBrian ChasingBrian Dec 22, 2014 04:59AM
Updated na po ang slambook ni bebang.Basa nah!!!
Ver todas las conversaciones

Historias de ChasingBrian
Ang Slambook ni Bebang de ChasingBrian
Ang Slambook ni Bebang
"I am sitting here looking at the most amazing person I have ever seen, smart, funny, caring, and absolu...
ranking #3 en bebang Ver todos los rankings
Borrowed Identity de ChasingBrian
Borrowed Identity
Meet Christina Klenn, ang babaeng walang ibang misyon sa buhay kung hindi ang talunin ang # 1 niyang Mortal...
ranking #491 en tagalogstory Ver todos los rankings
1 Lista de lectura