Hi Guys!! Happy New Year!!! Cenxia na at baka ma-delay ang publish but I started writing today. nasa state ako ng Puyat2x mode plus medyo lango pa ako sa beer. But anyways I will try my best to publish it. Hope you understand.
Well 2019 na! Matagal ko ng gustong magsulat story since elementary days pa (kakapanood ko ng Harry Potter & Lord of the Rings... also kakabasa ng mga sandamakmak na Romance pocketbooks) pero dahil hanggang pangarap lang ako... hindi ko na natutuloy. But nang tumuntong ako ng high school at nakasali sa Journalism, doon nagbago ang lahat. Naging part ako ng newspaper org and na assign sa Feature section so doon lahat nahasa ang writing skills ko. Panay din ang sali ko sa essay (kahit palaging talo... Gora pa rin!) But in my college, parang bulang nawala ang kagustuhan kong magsulat dahil sa pangyayaring naganap sa aming pamilya. Kailangan kong i-focus ang sarili ko sa pag-aaral kahit na ayaw ko ang course ko. Nang magkaroon ng essay contest sa school, my friends push me to do it pero nag-alinlangan ako kasi hindi na rin ako ganun kagaling. Pero it was a miracle ng tinawag ang pangalan ko sa stage and for the first in my life, nang dahil sa pagsusulat ko, na recognize ang gawa ko. So it was a big big moment for me.
To make it short, nang magkatrabaho ako, natigil pa din ako sa pagsusulat. That's when my BF push me na magsulat again. He always listen to my story. We always watched k-dramas at palagi ako nagbibigay ng kuru-kuro or opinion sa pinapanood namin... na kung what if ibahin natin ang twist ng story. He finds it amazing and he always suggest me to write my own story. Subukan ko lang daw dahil wala naman daw mawawala..
So ito na ako ngayon, nagsusulat sa Wattpad. Kapag may nagbabasa at nagbibigay ng vote every chapter is like a feeling na nakatanggap ako ng award. mas lalo kapag nagcomment and they really want to see the next update.
So sa lahat ng followers ko.... Maraming Salamat!!!! (with teary eye)