Nagsimula ang lahat sa isang bahay na may brown tape. Ang brown tape na naghahati sa bahay sa dalawa. Dito nagkakilala ang binata’ng si Kari, gwapo, mestiso, at maganda ang hubog ng katawan, at ang dalaga’ng si Asra, maganda, maputi, pero may katarayan nga lang.
Nahati ang bahay sa dalawa dahil kalahati lang ang nabayaran ng lolo ni Kari nang ibenta ito ni Asra. Nahati man ang bahay sa dalawa ay madalas naman sila’ng nagkikita na naging dahilan upang mahulog ang loob nila sa isa’t isa.
Dumating ang araw na umasenso si Kari sa buhay, at isa ito sa mga naging dahilan kung bakit mas dumami ang hadlang sa pag-iibigan nila ni Asra. Matutulad ba ang mga hadlang na ito sa brown tape na makikita sa bahay nila? Na kahit hinati nito ang bahay sa dalawa ay kaya pa rin’g daanan at lampasan mayakap lang ang isa’t isa?
Sa kwento'ng ito makikita mo ang salita'ng forever. Forever na naman, tunay ba yan? Baka tunay, hindi natin alam. Siguro kung walang forever dito sa mundo'ng may sphere shape, then maybe meron sa a house with a brown tape.
-COMPLETED-